Masayang ibinahagi ni Jill Cielo P. Rasay-Tambor, bagong Huwarang Ginang Sariaya 2026, ang kanyang karanasan sa pageant at kung paano ito naging daan upang mas lalong makatulong sa komunidad. Ayon sa kaniya, hindi niya inakala na makakasali sa kompetisyon dahil isa siyang busy working mom. Ngunit sa isang simpleng paalala mula sa kanyang anak na babae na, โI want to see you there againโ, nagdesisyon siyang muling subukan ang entablado bilang representative ng Barangay Pili.
Bagamaโt may mga narinig siyang puna na hindi siya karapat-dapat dahil mayroon na siyang karanasan, nilinaw niya na tatlong beses lamang siyang sumali sa pageant, una sa kolehiyo, pangalawa sa Mrs. Philippines Quezon, at pangatlo sa Huwarang Ginang 2026. Para sa kaniya, positibo ang kritisismong ito dahil nagbibigay ito ng inspirasyon at pagkakataon na subukan ang bawat oportunidad, lalo na bilang isang ina sa edad na 30.
Aminado si Jill na nakaramdam siya ng pressure sa preparasyon, ngunit habang nakikilala ang iba pang kandidata, unti-unting nawala ang kaba at nagbukas ang samahan sa pagkakaibigan. Hindi na lamang kompetisyon ang kanilang nakikita kundi isang sisterhood. Sa pageant, natutunan niya ang ibat-ibang karanasan ng bawat ina, mga hamon, sakripisyo, at tagumpay sa pagiging magulang.
Ramdam din niya ang bigat ng pagiging babae sa sitwasyong malayo sa asawa, na nagtatrabaho sa ibang bansa upang suportahan sila. Ayon sa kaniya, mahalaga na sa bawat relasyon ay may isa na malakas upang maging sandigan ng isaโt isa. Sa kabila ng hamon, pinanindigan nila ang kanilang pagmamahalan sa tulong ng Diyos at ng bawat isa.
Matapos ang pageant, ipinakita ni Jill ang kanyang pasasalamat sa pamamagitan ng community pantry noong March 20, 2026 sa Barangay Pili, katuwang ang kapwa niyang Huwarang Ginang, kung saan namigay sila ng libreng goods sa mga residente. Ayon sa kaniya, hindi kailangang maging visible para makatulong; mas mahalaga ang pagiging instrumento ng kabutihan sa iba sa ibaโt ibang paraan.
Sa isinagawang coronation, binanggit niya ang kanyang layunin na magbahagi ng kaalaman at karunungan sa mga kababaihan. Isa sa kanyang adbokasiya ang women empowerment at edukasyon, upang ang kababaihan sa Sariaya ay magkaroon ng pagkakataon na matuto at lumago kahit sa kabila ng kahirapan.
Ibinahagi rin niya ang kanyang breastfeeding journey na umabot hanggang 10 buwan. Bagamaโt mahirap sa simula, itinuloy niya ito para sa kalusugan ng anak, kasabay ng pagpapakain ng masusustansiyang gulay tulad ng repolyo, sayote, at kangkong, upang lumaking malusog at hindi pihikan sa pagkain.
Sa pagtatapos ng kanyang panayam sa programang Ibida mo sa Radyo kasama sina Kuys Wacky at Kuys Kenneth, hinimok niya ang lahat na maging mabuti at maunawain sa kapwa. Ayon sa kaniya, mahalaga na maging mabuting tao sa kabila ng mga hamon ng mundo at magsilbing inspirasyon sa komunidad.
#RK1077FM #CNN
0 Comments
Be the first to share your thoughts on this story.