Binigyang-diin ang kahalagahan ng salitang understanding o pag-unawa bilang value of the week sa isinagawang lingguhang flag raising ceremony nitong Lunes, Marso 23, sa Sariaya New Municipal Hall.
Ayon kay Municipal Assessor Maria Chona Vendiola, ang pag-unawa ay hindi lamang simpleng pag-intindi sa mga salita o pangyayari, kundi nagsisilbing tulay na nagdudugtong sa bawat mamamayan. Aniya, ito rin ang nagiging pundasyon ng serbisyong may puso na nakabatay sa malasakit, konsiderasyon, at respeto.
Samantala, inanunsyo ni Municipal Administrator Randy Tronila na nailabas na ang guidelines para sa pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga tricycle driver sa bayan. Paliwanag niya, makikipag-ugnayan muna ang lokal na pamahalaan sa Business Permit and Licensing Office at Municipal Social Welfare and Development Office upang matukoy ang mga lehitimong tricycle na may prangkisa at regular na nagbabayad nito.
Kinilala rin sa naturang programa ang apat na atletang nagkamit ng pilak na medalya sa katatapos na Regional Athletic Association Meet (RAAM) na ginanap sa Batangas City. Ang mga ito ay mula sa Manggalang 1 Elementary School na lumahok sa larong sepak takraw sa elementary girls category.
#RK1077FM #CNN
0 Comments
Be the first to share your thoughts on this story.