Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐Š๐–๐„๐๐“๐Ž ๐’๐€ ๐‹๐ˆ๐Š๐Ž๐ƒ ๐๐† ๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜ ๐๐ˆ ๐‘๐„๐„๐๐€ ๐Œ๐€๐˜ ๐Œ. ๐ƒ๐€๐‡๐ˆ๐‹๐ƒ๐€๐‡๐ˆ๐‹, ๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐‡๐€๐†๐ˆ ๐’๐€ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ๐€๐๐† ๐ˆ๐๐ˆ๐ƒ๐€ ๐Œ๐Ž ๐’๐€ ๐‘๐€๐ƒ๐˜๐Ž


๐Š๐–๐„๐๐“๐Ž ๐’๐€ ๐‹๐ˆ๐Š๐Ž๐ƒ ๐๐† ๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜ ๐๐ˆ ๐‘๐„๐„๐๐€ ๐Œ๐€๐˜ ๐Œ. ๐ƒ๐€๐‡๐ˆ๐‹๐ƒ๐€๐‡๐ˆ๐‹, ๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐‡๐€๐†๐ˆ ๐’๐€ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ๐€๐๐† ๐ˆ๐๐ˆ๐ƒ๐€ ๐Œ๐Ž ๐’๐€ ๐‘๐€๐ƒ๐˜๐Ž

Masayang ibinahagi ni Reena May M. Dahildahil ang kanyang makulay ngunit puno ng pagsubok na paglalakbay nang siya ay maging panauhin sa programang Ibida Mo sa Radyo ng Radyo Kaisahan 107.7 FM kasama sina Kuys Wacky at Kuys Kenneth.

Sa likod ng kanyang pagkakatanghal bilang 1st runner-up sa Huwarang Ginang Sariaya 2026, isang mas malalim na kwento ang kanyang ibinunyag, isang kwento ng pakikibaka, pagbangon, at muling pagtuklas sa sarili.

Hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan bilang isang anak, ina, at asawa, hinarap niya ang matitinding hamon sa buhay na nagdulot sa kanya ng anxiety at depression. May mga pagkakataong nawawala siya sa sarili at hindi na lubos na nauunawaan ang kanyang mga kilos, bagay na naglagay sa kanya sa alanganin. Ngunit sa gitna ng kadilimang iyon, nagsilbing liwanag ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang anak na nagpahayag ng takot na siya ay mawala.

Ang simpleng pahayag na iyon ang naging mitsa ng kanyang muling pagbangon. Doon niya napagtanto na kailangan niyang harapin ang kanyang kalagayan at humingi ng tulong. Sa kabila ng takot at pag-aalinlangan, nagpasya siyang kumonsulta at sumailalim sa gamutan upang unti-unting maibalik ang kanyang sigla at pagkatao.

Kasabay ng kanyang paghilom ay ang pagbubukas ng panibagong oportunidad, ang muling pagbabalik ng patimpalak para sa mga ginang sa Sariaya. Sa pamamagitan ng Huwarang Ginang Sariaya 2026, nabigyan siya ng pagkakataong muling balikan ang kanyang dating hilig sa pageantry at ipakita ang kanyang kakayahan bilang isang babae at lider.

Bilang kinatawan ng Barangay Concepcion Palasan, buong tapang niyang hinarap ang entablado, dala ang suporta ng kanyang pamilya at kanilang mga ka-barangay. Higit pa sa parangal, naging simbolo ito ng kanyang muling pagtindig at pagbawi sa sarili.

Hindi rin niya pinalampas ang pagkakataong ibahagi ang kanyang karanasan bilang isang ina patungkol sa kahalagahan ng eksklusibong pagpapasuso. Sa kabila ng pagiging abala, tiniyak niyang mapangalagaan ang kalusugan ng kanyang mga anak, na aniyaโ€™y pawang lumaki sa breastmilk hanggang dalawang taong gulang.

Sa huli, ang kanyang kwento ay hindi lamang tungkol sa isang tagumpay sa entablado, kundi isang patunay na sa kabila ng mga pagsubok, ang pagmamahal ng pamilya, lakas ng loob, at pananampalataya sa Diyos ang magsisilbing gabay upang muling makabangon at magpatuloy sa buhay. Bilang isang Huwarang Ginang 2026 1st Runner Up, layunin din niyang magsilbing boses ng mga kababaihan sa pamamagitan ng paghihikayat sa mga ito na harapin at labanan ang kanilang nararamdaman, at hikayatin ang mga nakararanas ng anxiety at depression na humingi ng tulong at makahanap ng angkop na solusyon bilang bahagi ng kanyang adbokasiya.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.