Pinrusisyon ang mga imahe ni San Isidro Labrador mula sa ibaโt ibang kalsada ng Poblacion area patungo sa Simbahan ng St. Francis of Assisi Parish ngayong araw (May 11) bilang bahagi ng pagbubukas ng pagdiriwang ng Agawan Festival.
Itinuturing na isang makabuluhang hakbang ang naturang aktibidad para sa paghahanda sa malakihang kapistahan ng bayan na layuning magbigay ng pasasalamat at pagpupugay sa buhay at mga himala ni San Isidro Labrador na kinikilalang patron ng mga magsasaka para sa masaganang ani na kanilang nararanasan.
Bilang bahagi ng seremonya, binasbasan ang mga imaheng nagmula sa limang iba't ibang parokya sa pangunguna ni Reb. P. Everette Calvendra.
#RK1077FM #CNN
0 Comments
Be the first to share your thoughts on this story.