Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐’๐€๐‹๐ˆ๐“๐€๐๐† ๐ˆ๐๐“๐„๐‹๐‹๐ˆ๐†๐„๐๐‚๐„, ๐“๐€๐Œ๐๐Ž๐Š ๐’๐€ ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€๐๐† ๐…๐‹๐€๐† ๐‘๐€๐ˆ๐’๐ˆ๐๐† ๐‚๐„๐‘๐„๐Œ๐Ž๐๐˜


๐’๐€๐‹๐ˆ๐“๐€๐๐† ๐ˆ๐๐“๐„๐‹๐‹๐ˆ๐†๐„๐๐‚๐„, ๐“๐€๐Œ๐๐Ž๐Š ๐’๐€ ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€๐๐† ๐…๐‹๐€๐† ๐‘๐€๐ˆ๐’๐ˆ๐๐† ๐‚๐„๐‘๐„๐Œ๐Ž๐๐˜

Binigyang-diin ang pagbabahagi ng salitang โ€˜intelligenceโ€™ sa isinagawang flag raising ceremony ngayong araw (Mayo 11) na pinangunahan ng tanggapan ng General Services Office (GSO).

Anila, ang โ€˜intelligenceโ€™ ay hindi lamang tungkol sa talino, kundi pati sa tamang pakikitungo sa kapwa at pagrespeto sa bawat isa. Ito ang nagsilbing โ€˜values of the weekโ€™ na may paalala sa lahat na maging maayos at magalang sa pakikisalamuha sa ibang tao.

Samantala, nagbahagi rin si Nurse II Myra C. Beltran ng ilang mahahalagang impormasyon kaugnay ng mga programa ng Rural Health Unit para sa mga buntis bilang bahagi ng pagdiriwang ng Safe Motherhood Week. Taglay ng selebrasyon ang temang, โ€œKalidad na Pangangalaga sa Ina, Kalusugan ng Sanggol may Garantiyaโ€ na layuning palakasin ang kaalaman ng mga ina tungkol sa wastong pangangalaga sa kanilang kalusugan at sa kanilang sanggol.

Buong suporta naman ang lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Marivic T. Gayeta, Vice- Mayor Arlene M. Genove at ng Sangguniang Bayan pagdating sa pagsasabuhay ng values of the week at iba pang aktibidad na ibinahagi sa mga kawani.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.