Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐‘๐€๐Š๐‘๐€๐Š๐€๐ ๐’๐€ ๐€๐†๐€๐–๐€๐, ๐๐€๐†๐๐€๐’๐ˆ๐Š๐‹๐€๐ ๐๐€


๐‘๐€๐Š๐‘๐€๐Š๐€๐ ๐’๐€ ๐€๐†๐€๐–๐€๐, ๐๐€๐†๐๐€๐’๐ˆ๐Š๐‹๐€๐ ๐๐€

Binuksan na nitong ika-9 ng Mayo ang hudyat ng masiglang pagdiriwang ng Agawan Festival sa bayan ng Sariaya, matapos ang matagumpay na Rakrakan sa Agawan 2026 sa Sariaya Agricultural Trading Center.

Naging sentro ng entablado ang ibaโ€™t ibang banda mula sa buong lalawigan ng Quezon, kung saan ipinamalas nila ang husay sa pag-awit at mastery sa pagtugtog ng bass, electric guitar, at drums.

Naging posible ang naturang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lokal ng Sariaya sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Marivic T. Gayeta katuwang ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Arlene M. Genove at Sariaya Tourism Culture and the Arts Office sa pangangasiwa ni Dr. Ruben de Gracia Jr., kasama ang Quezon Empire at Makolโ€™s Jam at Tipay Production.

Nagpabilib at nagpakitang-gilas sa entablado ang mga sumusunod na banda, kabilang ang Fistful of Steel; Waterbased; Sentimental; Flordeluna; Akuji Aelius; Purwisyo; Acciaccatura; Major! Malfunction; Periโ€™Grin; Project Deta Pack; Death Among Ruins; Tipay Collective.

Sa huli, ang tagumpay ng Rakrakan sa Agawan ay magsisilbing maapoy na pasimula para sa mas marami pang aktibidad na nakahanay para sa taunang kapistahan ng bayan.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.