Patuloy ang pag-arangkada ng programang kalinga para sa mga Persons with Disabilities (PWD) sa bayan ng Sariaya matapos isagawa ngayong araw, ika-8 ng Mayo, ang mahalagang assessment at pagkuha ng sukat para sa prosthetic legs ng tatlong benepisyaryo sa Mediwalk Cainta, Rizal. Ang mga naturang indibidwal ay nagmula pa sa mga barangay ng Mamala 1, Poblacion 4, at Concepcion Palasan na personal na sumailalim sa proseso upang muling makalakad nang maayos.
Kasabay nito, isang PWD naman mula sa Barangay Balubal ang nabigyan din ng pagkakataon na maipasuri at maipa-adjust ang kanyang prosthetic leg upang matiyak ang kaginhawaan sa paggamit nito. Ayon kay Eliselda V. Rule, Quezon Coordinator ng Mediwalk, dadaan sa masusing preparasyon ang mga kagamitan at tinatayang aabutin ng isa hanggang dalawang buwan bago pormal na maipamahagi ang mga prosthetic legs sa mga nabanggit na benepisyaryo.
Binigyang-diin ni Gng. Rule na bagamaโt naging hamon ang layo ng biyahe mula Sariaya patungong Cainta, hindi matatawaran ang saya at pag-asang bakas sa mukha ng mga PWD dahil sa biyayang kanilang matatanggap. "Bagamaโt malayo ang biyahe mula sa Sariaya patungo sa Cainta Rizal, bakas naman sa mukha ang saya ng mga benepisyaryo sa pagkakataong mabigyang ng mga prosthetics legs ang mga benepisyaryo," pagbabahagi ni Gng. Rule
Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang mga benepisyaryo kay Punong Bayan Marivic T. Gayeta at Municipal Administrator Randy L. Tronila para sa walang sawang suporta nito at malasakit sa mga PWD sa bayan.
#RK1077FM #CNN
0 Comments
Be the first to share your thoughts on this story.