Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐’๐€๐‘๐ˆ๐€๐˜๐€, ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐”๐’๐”๐‹๐Ž๐๐† ๐€๐๐† ๐‡๐ˆ๐†๐‡ ๐•๐€๐‹๐”๐„ ๐‚๐‘๐Ž๐๐’ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐’๐€๐†๐€๐๐€๐๐† ๐€๐๐ˆ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐Š๐€


๐’๐€๐‘๐ˆ๐€๐˜๐€, ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐”๐’๐”๐‹๐Ž๐๐† ๐€๐๐† ๐‡๐ˆ๐†๐‡ ๐•๐€๐‹๐”๐„ ๐‚๐‘๐Ž๐๐’ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐’๐€๐†๐€๐๐€๐๐† ๐€๐๐ˆ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Œ๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐Š๐€

Masiglang tinalakay sa programang Masaganang Ani Program ng Radyo Kaisahan ang mga hakbangin ng lokal na pamahalaan upang mapalakas ang sektor ng agrikultura sa bayan, partikular na ang pagpapalago ng mga high value crops (HVC). Sa panayam ni Kuys Wacky nitong April 23, binigyang-diin ang kahalagahan ng modernisasyon at suporta sa mga magsasaka upang matiyak ang sapat na kita at suplay ng pagkain.

Ipinaliwanag ni G. Mark Allyson D. Palomado, Agriculturist Technologist, na ang mga high value crops ay binubuo ng mga pananim na may mataas na demand sa merkado at mabilis na naibebenta gaya ng talong, okra, kalabasa, ampalaya, sitaw, saging, cacao, at kape. Aniya, prayoridad ng munisipyo ang High Value Crops Development Program Enhancement Productivity Enhancement Program na nakatuon sa pagpapataas ng ani ng mga lokal na prodyuser.

Upang maging bahagi ng programa, binanggit ni G. Palomado na kinakailangang rehistrado ang mga magsasaka sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at aktibong nagtatanim ng mga naturang produkto. Aniya, "Malaking bentahe kung mayroon silang samahan" dahil mas madali ang koordinasyon ng mga tulong mula sa gobyerno. Sa ilalim ng nasabing programa, nagsasagawa ang kanilang opisina ng soil testing at monitoring upang matiyak na malusog ang lupang taniman.

Nagbabala rin siya sa panganib ng pagiging acidic ng lupa dahil sa labis na paggamit ng kemikal na abono. Bilang solusyon, iminungkahi ni G. Palomado ang pagpapahinga ng lupa o ang pagtatanim ng monggo bilang "green manure" na nagtataglay ng nitrogen-fixing bacteria. Bukod sa teknikal na payo, namimigay din ang lokal na pamahalaan ng mga libreng binhi, plastic crates, at drum para sa mga rehistradong magsasaka sa tulong ng DA Regional Office at Office of the Provincial Agriculturist (OPA).

Pagdating naman sa hamon ng bagsak-presyo dahil sa sobrang suplay mula sa ibang rehiyon, tiniyak ni G. Palomado na may mga nakahandang interbensyon ang lokal na pamahalaan. "Tinutulungan silang magbenta nang direkta upang hindi dumaan sa middleman," pahayag niya, sabay paliwanag na may mga post-harvest facilities na sa Mamala at Manggalang para sa mas maayos na pag-aayos ng mga produkto bago dalhin sa mga merkado sa Maynila.

Sa huli, hinimok ng opisyal ang mga magsasaka na samantalahin ang mga serbisyong gaya ng crop insurance, lalo na ngayong panahon ng El Niรฑo at pag-atake ng mga peste.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.