Radyo Kaisahan 107.7 FM
โ† Back to News

๐’๐€๐‘๐ˆ๐€๐˜๐€, ๐Š๐ˆ๐๐ˆ๐‹๐€๐‹๐€ ๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐’๐–๐ˆ๐๐„ ๐‚๐€๐๐ˆ๐“๐€๐‹ ๐๐† ๐๐”๐„๐™๐Ž๐; ๐–๐€๐’๐“๐Ž๐๐† ๐๐€๐†๐๐ˆ๐‹๐ˆ ๐๐† ๐‹๐€๐‡๐ˆ ๐€๐“ ๐๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐๐Ž๐˜, ๐“๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐Š๐€๐˜ ๐’๐€ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ๐€๐๐† ๐Œ๐€๐’๐€๐†๐€๐๐€๐๐† ๐€๐๐ˆ


๐’๐€๐‘๐ˆ๐€๐˜๐€, ๐Š๐ˆ๐๐ˆ๐‹๐€๐‹๐€ ๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐’๐–๐ˆ๐๐„ ๐‚๐€๐๐ˆ๐“๐€๐‹ ๐๐† ๐๐”๐„๐™๐Ž๐; ๐–๐€๐’๐“๐Ž๐๐† ๐๐€๐†๐๐ˆ๐‹๐ˆ ๐๐† ๐‹๐€๐‡๐ˆ ๐€๐“ ๐๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐๐Ž๐˜, ๐“๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐Š๐€๐˜ ๐’๐€ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ๐€๐๐† ๐Œ๐€๐’๐€๐†๐€๐๐€๐๐† ๐€๐๐ˆ

Binigyang-diin sa programang Masaganang Ani Radio Program ng Radyo Kaisahan ang kahalagahan ng industriya ng pagbababoy sa bayan ng Sariaya, na kasalukuyang may pinakamataas na populasyon ng alagang baboy sa buong lalawigan ng Quezon. Sa panayam ni Kuys Wacky nitong April 16, ipinaliwanag ni G. Gilbert Heli, isang Agricultural Technologist at Livestock Inspector, na ang tagumpay sa produksyon ay nagsisimula sa matalinong pagpili ng lahi.

Para sa mga inahin, pinakamainam ang paggamit ng F1 o ang crossbreeding ng Landrace at Large White dahil sa taglay nitong hybrid vigor. Ang isang de-kalidad na inahin ay dapat na may mahabang katawan, arko ang tindig, at mayroong hindi bababa sa labing-apat na pares ng suso na maayos ang pagkakahanay. Mahalaga rin ang magandang ugali o temperament ng inahin sa pag-aalaga ng mga anak, gayundin ang kawalan ng anumang pisikal na depekto dahil ito ay maaaring mamana ng mga biik.

Para naman sa mga barako, iminungkahi ni G. Heli ang paggamit ng terminal line tulad ng Duroc o Duroc-Pietrain upang matiyak ang magandang kalidad ng karne at maskuladong pangangatawan ng mga supling. Kinakailangang malakas ang libido ng barako at maayos ang tindig nito para sa epektibong pagpapakasta. Ipinaliwanag din sa talakayan ang tatlong uri ng produksyon: ang farrow to weaning na nakatuon sa paggawa ng biik, ang farrow to finish na sumasaklaw mula pagsilang hanggang pagbebenta ng malalaking baboy, at ang finisher operation para sa mga nais lamang magpataba. Dagdag pa niya, ang pagpili sa mga sistemang ito ay nakadepende sa kakayahan at resources ng magsasaka, lalo naโ€™t ang pag-aalaga ng inahin ay nangangailangan ng mas masusing atensyon at teknikal na kaalaman.

Tinalakay rin ang wastong tiyempo ng pagpapakasta kung saan binanggit na ang puberty age ng mga puting lahi ay nagsisimula sa ikaanim na buwan pataas. Aniya ang paglalandi o Estrus o Heat Cycle ay karaniwang tumatagal ng tatlo hanggang limang araw, na mapapansin sa pamamagitan ng pamamaga ng ari at paglalabas ng likidong tila sipon. Hindi inirerekomenda ang pagpapakasta sa unang paglalandi dahil kakaunti pa ang egg cells, mas mainam na maghintay sa pangalawa o pangatlong cycle para sa mas maraming bilang ng anak. Kaugnay nito ibinahagi rin niya ang salitang standing heat, o ang sandaling ang baboy ay tahimik at handa nang pasakyan, na siyang pinaka-kritikal na oras para sa serbisyo. Kung hindi mabuntis, asahan ang muling paglalandi sa loob ng average na dalawampu't isang araw.

Sa pagtatapos ng talakayan sa Masaganang Ani Radio Program, nagbigay ng paalala si G. Heli ukol sa mga environmental factors at waste management. Binigyang-diin niya na ang mga pure breed at F1 ay nangangailangan ng mas maingat na monitoring kumpara sa mga native na baboy at hindi dapat basta-basta inilalagay sa putikan. Marapat aniya na ang lokasyon ng babuyan ay dapat may sapat na layo sa mga pangunahing kalsada at kabayanan upang maiwasan ang polusyon at pagkalat ng sakit. Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpapakain ng kanin-baboy upang makaiwas sa mga virus at inirerekomenda ang paggamit ng dumi ng hayop bilang pataba.

#RK1077FM #CNN

๐Ÿ’ฌ

0 Comments

0 / 2000
๐Ÿ—จ๏ธ

Be the first to share your thoughts on this story.