Naging matagumpay ang isinagawang Road Cleaning and Widening Program sa bahagi ng Barangay Sto. Cristo matapos magsama-sama ang mga kabataan at ibaโt ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan para sa paglilinis ng kalsada. Pinangunahan ang aktibidad ng Sariaya Youth Movement sa ilalim ng pamumuno ni Charmine T. Gayeta katuwang ang mga miyembro ng kanilang organisasyon. Layunin ng programa na mapanatiling malinis at ligtas ang daanan para sa mga residente at motorista.
Nakiisa rin sa gawain ang ibaโt ibang tanggapan ng munisipyo kabilang ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at Local Youth Development Office (LYDO). Dumalo rin ang ilang Sangguniang Kabataan Chairpersons at mga estudyante mula sa Lyceum de San Pablo upang tumulong sa nasabing proyekto.
Ayon sa mga kalahok, malaking tulong ang pagtutulungan ng kabataan at pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa komunidad.
Patuloy namang sinusuportahan ng lokal na pamahalaan ng Sariaya ang mga ganitong inisyatiba ng kabataan sa pangunguna nina Mayor Marivic T. Gayeta, Vice Mayor Arlene M. Genove, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Sariaya.
#RK1077FM #CNN
0 Comments
Be the first to share your thoughts on this story.