Sa unang flag raising ceremony para sa buwan ng Mayo, nanguna ang tanggapan ng Office on Health Services na nagbahagi ng values of the week tungkol sa salitang prudence. Ginawa ang regular na seremonya ngayong araw (Mayo 4) sa Sariaya New Municipal Hall.
Ayon kay Municipal Health Officer I Dr. Omar Ilagan, ang prudence ay ang pagiging maingat, tamang pag-iisip, at marunong gumawa ng desisyon bago kumilos o magsalita. Ibinahagi rin ni Dr. Ilagan ang mga salita ni Austrian neurologist at psychologist Dr. Viktor Frankl na, โBetween stimulus and response, there is a space, and that space is our freedom to choose our response.โ Kung saan inihalintulad ito sa salitang prudence na gumaganap na gabay sa mga indibidwal kung paano gagamitin ang espasyo para makapili ng tama, makatarungan at makataong aksyon.
Dagdag pa ng Municipal Health Officer na bilang mga kawani ng lokal na pamahalaan, ang pagkakaroon ng prudence ay isang mahalagang bagay lalo na sa pakikipag-usap sa mga kliyente, ang pagiging mahinahon, pagiging magalang, at propesyonal.
Sumunod namang ibinahagi ni Municipal Mayor Marivic T. Gayeta ang kanyang mensahe kung saan pinaalala niya ang pagpapanatili sa kalinisan ng munisipyo dahil ito ang tumatayong representasyon ng bawat indibidwal ng Sariaya, ganunrin pagtaas ng antas ng paglilingkod para hindi lang magampanan ang mga tungkulin, pati na rin ang pagiging huwarang para sa pagpapanatili ng kaayusan ng bawat opisina.
#RK1077FM #CNN
0 Comments
Be the first to share your thoughts on this story.