Radyo Kaisahan 107.7 FM
← Back to News

BNS SA SARIAYA, NAGSAGAWA NG BUWANANG PAGPUPULONG


BNS SA SARIAYA, NAGSAGAWA NG BUWANANG PAGPUPULONG

Isinagawa ang buwanang pagpupulong ng mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) nitong Pebrero 24 sa Barangay Manggalang Tulo-Tulo kung saan dinaluhan ng 46 BNS mula sa 43 barangay ng Sariaya kasama ang tanggapan ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO).
Sa pulong, tinalakay ni BNS President Rica Beltran ang nakatakdang petsa para sa regular na pagpapasa ng 1st Quarter Operation Timbang (OPT) Plus report. Bukod dito, ipinaalala rin niya sa mga BNS na makibahagi at makiisa sa pagbabahagi ng impormasyon sa mahalagang tungkulin at ginagawa ng mga BNS sa pamamagitan ng Nutriskwela Radyo Kaisahan 107.7 FM.
Samantala, iminungkahi naman nina MNAO Staff Aaron Aldea at Ahya Albitos ang pagpapa-iskedyul ng Data Quality Check (DQC) para sa mga barangay na hindi pa sumasailalim rito, ganun din ang paghahanda ng masterlist ng mga mahahalagang documento para sa MELLPI Pro at pagkakaroon ng mga sagot sa problem tree at Barangay Nutrition Action Plan o BNAP.

💬

1 Comment

0 / 2000
T
test

this is my comment