Radyo Kaisahan 107.7 FM
← Back to News

WOODEN HEIGHT BOARDS NG MGA BNS, SUMAILALIM SA VALIDATION AT CALIBRATION


WOODEN HEIGHT BOARDS NG MGA BNS, SUMAILALIM SA VALIDATION AT CALIBRATION

Kasabay ng monthly meeting ng mga Barangay Nutrition Scholars nitong Pebrero 24, isinagawa ang validation at calibration ng mga wooden height board ng mga Barangay Nutrition Scholar sa Barangay Manggalang Tulo- Tulo sa pangunguna ni Nutritionist-Dietitian II Tracy Joyce Lindo mula sa Quezon Provincial Department of Health Office.

Ayon kay Lindo, ginagawa ang validation at calibration upang makita ang tamang sukat ng mga batang sumasailalim sa Operation Timbang Plus o OPT Plus. Binigyang-diin rin niya na hindi sa tao nanggagaling ang mga maling datos, kundi sa mga tools na hindi nabeberipika taon- taon at hindi dumadaan sa tamang calibration tuwing tatlong tatlong taon.

Sa huli, ipinaalala niya sa mga BNS at maging sa lahat na nangangailangan ng tamang edukasyon at kaalaman para matiyak na may katumpakan ang mga datos na nakakalap sa pamamagitan ng validated at calibrated na mga height boards at timbangan.

💬

0 Comments

0 / 2000
🗨️

Be the first to share your thoughts on this story.