Naging matagumpay ang isinagawang PuroKalusugan program sa Barangay Concepcion Banahaw nitong Martes (March 3) kung saan maraming residente ang nakinabang sa libreng serbisyong medikal.
Pinangunahan ang aktibidad ni Municipal Health Officer- I Dr. Omar Ilagan kasama ang ilang Human Resource for Health (HRH) mula sa Department of Health na kasalukuyang tumutulong sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga Sariayahin.
Sa naturang programa, nagkaroon ng libreng konsultasyon o check-up kasama ng pagbibigay ng reseta, pagbabakuna ng mga sanggol, at maternal check-up para sa mga buntis. Layunin nitong maabot ang mga komunidad na malalayo sa bayan at kadalasang nahihirapang makakuha ng serbisyong medikal. Katuwang sa pagpapatupad ng programa ang mga Barangay Health Worker, midwife, Barangay Nutrition Scholar, at mga nurse na sama-samang naghatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga residente.
Samantala, magpapatuloy pa ang ganitong mga programa sa ilang lugar tulad ng Barangay Antipolo sa March 12 at Barangay Sampaloc Bogon sa March 18 upang mas maraming barangay ang mapuntahan at mas maraming mamamayan ang matulungan. Ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang bayan ng Sariaya at ng Rural Health Unit na mailapit ang serbisyong medikal sa bawat komunidad.
hi